Miyerkules, Nobyembre 26, 2025

Bawat araw, may tulâ

BAWAT ARAW, MAY TULÂ

kahit nasa rali sa lansangan
o kaya'y pagbangon sa higaan
pagkakain ng pananghalian
o kaya'y matapos ang hapunan
titiyaking may tulâ na naman

araw at gabi, ako'y kakathâ
madaling araw, babangon sadyâ
upang kathain ang nasa diwà
nasa kaloobang lumuluhà
samutsaring paksâ, lumilikhâ

bawat araw ay may tulang handog
sa ganyan, pagkatao'y nahubog
sa tula, sarili'y binubugbog
paksa'y bayan, kalikasan, irog
misyon hanggang araw ko'y lumubog

- gregoriovbituinjr.
11.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Never Again

NEVER AGAIN "Never Again" anang tibak sa t-shirt ko nakatatak "Never Again" na'y palasak karanasang nakaimbak sa daa...