Miyerkules, Oktubre 22, 2025

Inuming malunggay

INUMING MALUNGGAY

sampung pisong malunggay
ang binili kong tunay
sa palengkeng malapit
barya man ay maliit

nilagay ko sa baso
at binantuan ito
ng mainit na tubig
na panlaban sa lamig

layunin ko'y lumakas
ang kalamna't tumigas
bisig na matipunô
at sakit ay maglahò

sa malunggay, salamat
dama'y di na mabigat
ang loob ko'y gumaan
pati puso't isipan

- gregoriovbituinjr.
10.22.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang pinakamataas na uri ng pagmamahal

ANG PINAKAMATAAS NA URI NG PAGMAMAHAL marami ang nagsasabing ang pinakamataas na uri ng pagmamahal ay yaong paglilingkod sa kapwà, kayâ kumi...