Martes, Agosto 26, 2025

Salabat at pandesal

SALABAT AT PANDESAL

salabat at pandesal
sa umagang kayganda
kaysarap na almusal
at nakabubusog pa

kay-aga kong nagmulat
at nagtungong bakery
nag-init ng salabat
pandesal ay binili

ako lang ang kumain
mag-isang nag-agahan
mamaya'y susulatin
ko'y santula na naman

salamat sa salabat
pampaganda ng tinig
sa pandesal, salamat
pampagana ng tindig

- gregoriovbituinjr.
08.26.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Nang hinuli ang mga hubad

NANG HINULI ANG MGA HUBAD ‎ ‎Kay Balagtas: ‎ ‎Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad ‎sa bait at muni, sa hatol ay salat. ‎ ‎Ngayon: ‎ ‎Dah...