Lunes, Marso 3, 2025

Sa pagtatagumpay

SA PAGTATAGUMPAY

maraming dapat gawin upang magtagumpay
sa ating buhay, sa bahay, sa hanapbuhay
anumang suliranin ang nakabalatay
ay malalampasan kapag tayo'y nagsikhay

ang buhay nati'y di pulos laban at galit
dahil sa mga karapatang pinagkait
dahil binubusabos na ang maliliit
kundi mayroon ding panahon ng pag-awit

buhay ay punong-puno ng pakikibaka
lalo na't hanap ay panlipunang hustisya
paano wakasan ang mga dinastiya
na isang dahilan ng bulok na sistema

magtatagumpay lang tayo sa minimithi
kung sama-samang kikilos ang ating uri
upang wakasan na ang sangkaterbang hikbi
dahil sa kagagawan ng kuhila't imbi

- gregoriovbituinjr.
03.03.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ang editorial cartoon ng The Manila Times

ANG EDITORIAL CARTOON NG THE MANILA TIMES tingni yaong editorial cartoon ng  The Manila Times , anong nar'on nag-apiran pa at nalulugod ...