Miyerkules, Marso 12, 2025

Ang payo ng KWF

ANG PAYO NG KWF

sa inyo, Komisyon sa Wikang Filipino
agad akong sumang-ayon sa payo ninyo
na ating gamitin ang Wikang Filipino
sa paglilingkod sa taumbayan, saludo!

bilang makata at aktibistang Spartan
wikang Filipino'y tinataguyod naman
sa aming pananalita, sa pulong bayan
sa mga akda, sanaysay, kwento't tula man

mababasa sa Taliba ng Maralita
na aming pahayagan sa kilusang dukha
wikang Filipino ang gamit naming sadya
upang mapatagos sa masa ang adhika

sa wikang ito'y nag-uunawaan kami
sa ganitong paraan nakakapagsilbi
sa taumbayang higit na nakararami
salamat sa payo at kaygandang mensahe

- gregoriovbituinjr.
03.12.2025

* mapapanood ang bidyo ng KWF sa kawing na: https://www.facebook.com/share/v/16MZY1t1jc/ 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Palawan pala'y inaangkin na ng Tsina?

PALAWAN PALA'Y INAANGKIN NA NG TSINA? nabasa ko lang sa pahayagan kanina Palawan pala'y inaangkin na ng Tsina? akala ko ang Tsina...