PALAISIPAN AT PAYO
lahat ng problema'y may kasagutan
kumbaga sa tanong, sinasagutan
tulad din ng mga palaisipan
salita'y hanapin ang kahulugan
nagpapayo sa mga problemado
bata, matanda, karaniwang tao
bigyang tugon ang mga tanong nito
na pinag-iisipan ding totoo
sa payo't palaisipan, salamat
pagkat kayrami nang nadadalumat
samutsaring damdamin, dusa, sumbat
ligalig, lungkot, paghihirap, gulat
tara, krosword ay atin ding laruin
pagkat ito'y malaking tulong na rin
baka payo nila'y payo sa atin
talastasan itong dapat alamin
- gregoriovbituinjr.
11.17.2024
* litrato mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Nobyembre 17, 2024, p.10
limansugat - palumpong (Pseudoranthemum bicolor) na biluhaba ang dahon, maliliit ang bulaklak, at mabalahibo ang hugis kapsulang prutas: kampupuko, kinatuluan, mandalusa, pulpulto - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 700
Linggo, Nobyembre 17, 2024
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Dagdag dugo muli
DAGDAG DUGO MULI mababa na naman ang kanyang hemoglobin di pa abot ng otso, nasa syete pa rin dapat ay dose, ang normal na hemoglobin kaya...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro'...
-
SA BASURAHAN may basurahan palang tapunan ngunit nagtatapon ka sa daan bakit? wala ka bang pakialam? dahil ba di mo iyan tahanan? sa tahanan...
-
ANG PANGATLO KONG RADYO bumili akong muli, pangatlong radyo na ito nasira na kasi ang naunang dalawang radyo una'y sa kasal sa huwes, re...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento