Lunes, Nobyembre 4, 2024

Kwentong manananggal

KWENTONG MANANANGGAL

may multong sa kanya'y nagtanong:
"bakit ka kalahating multo?"
at ang sagot niyang pabulong:
"noon ay manananggal ako"

napakapayak ng istorya
ng nagmumultong manananggal 
kaya pala namatay siya
ay di nakita ang natanggal

niyang kalahating katawan
nang minsang sumikat ang araw
wala na siyang nabalikan
at siya'y tuluyang nalusaw

sa komiks man ay patawa lang
ni Mang Nilo na nagsalaysay
kwento ng kaibang nilalang
ngunit may lagim yaong taglay

- gregoriovbituinjr.
11.04.2024

* komiks istrip mula sa pahayagang Pang-Masa, Nobyembre 2, 2024, p.7

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Naglalakad pa rin sa kawalan

NAGLALAKAD PA RIN SA KAWALAN nakatitig lamang ako sa kalangitan tilà tulalâ pa rin doon sa lansangan parang si Samwel Bilibit, lakad ng laka...