Linggo, Nobyembre 3, 2024

Himaton ay YOU at YOUR

HIMATON AY YOU AT YOUR

sa cryptogram na palaisipan
YOU at YOUR ang himaton ko o clue
imbes THE o THEM ang kasagutan
dahil sinilip ang angkop dito

salamat sa dyaryo't may libangan
at pinagkakaabalahan ko
pag nagbabantay sa pagamutan
kay misis na naopera rito

kaysarap laruin ng cryptogram 
na pampatalas ng ating ulo
na talaga mong kagigiliwan
pampatay-inip at ehersisyo

- gregoriovbituinjr.
10.03.2024

* "When you change your thoughts, remember to also change your world." ~ Norman Vincent Peale
* mula sa Philippine Star, Nobyembre 3, 2024, p.2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Naglalakad pa rin sa kawalan

NAGLALAKAD PA RIN SA KAWALAN nakatitig lamang ako sa kalangitan tilà tulalâ pa rin doon sa lansangan parang si Samwel Bilibit, lakad ng laka...