Miyerkules, Marso 27, 2024

Tarang magtsaa

TARANG MAGTSAA 

tarang magtsaa ng malunggay
habang naritong nagninilay
pampalusog at pampatibay
nitong katawan at ng hanay

minsan kailangan talaga
sa hapon, gabi o umaga
pampasarap ng ating lasa
animo'y salabat o luya

habang aking ikinukwento
bakit ba may aping obrero
bakit ba negosyante'y tuso
at sistema'y kapitalismo

sa Kalbaryo ng Maralita
bakit dukha'y kinakawawa
nitong sistema ng kuhila
dukha'y kailan giginhawa

- gregoriovbituinjr.
03.27.2024

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Ayuda ay kendi lang sa mga trapo

AYUDA AY KENDI LANG SA MGA TRAPO heto muli tayo, malapit na ang Pasko may ayuda muli galing sa pulitiko regalong kendi't pera'y anon...