Sabado, Setyembre 18, 2021

Hipag

HIPAG

isang taospusong pagpupugay sa aking hipag
nagpositibo sa sakit, buhay na'y pumanatag
siya'y bunso sa magkakapatid na maririlag
siya'y biglang nawala, sadyang nakababagabag

siya si Bunso pagkat siya'y bunso sa pamilya
mahilig magsolo, masaya kahit nag-iisa
bunso kaya ibinibigay ang anumang kaya
subalit ngiti niya'y di na masisilayan pa

salamat, hipag, sa iyong ibinahaging buhay
kahit sumandali'y nakasama ka namin, Kokway
ah, napakabata mo pa upang mawalang tunay
muli, maraming salamat sa iyo, pagpupugay!

- gregoriovbituinjr.
09.18.2021

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Tatlong Grade 12, nanggahasa ng Grade 11

TATLONG GRADE 12, NANGGAHASA NG GRADE 11 krimen itong anong tindi dahil ang tatlong kaklase ang humalay sa babae sadyang napakasalbahe pagka...