umuulan-ulan, umaambon-ambon kahapon
subalit kayganda ng pagsikat ng araw ngayon
at nawa'y ulanin ang maalinsangang maghapon
nang madiligan din ang mga tinanim na iyon
kaysarap ulamin ng pinatubong alugbati
laga man o ginisa'y makadarama ng ngiti
upang mukhang marami, sanga'y pinaghati-hati
ngunit paumanhin kung sa lasa'y napapangiwi
patuloy pa rin ako sa paggawa ng ekobrik
sapagkat nakapagtipon ng isang linggong plastik
paggugupit-gupiting maliit at isisiksik
sa di pa sintigas ng batong boteng inekobrik
habang may coronavirus pa sa sandaigdigan
at mga tao'y nasa kani-kanilang tahanan
isang tula para sa araw ng kapaligiran
ang kakathain ko, ngayon nga'y pinagninilayan
- gregbituinjr.
06.04.2020
limansugat - palumpong (Pseudoranthemum bicolor) na biluhaba ang dahon, maliliit ang bulaklak, at mabalahibo ang hugis kapsulang prutas: kampupuko, kinatuluan, mandalusa, pulpulto - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 700
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ngiyaw
NGIYAW ngiyaw ng ngiyaw si alaga musikang ikinatutuwa sa aki'y humihingi kaya? pagkat gutom na't walang daga? kay-ingay niya buong g...
-
TURMERIC JUICE nabili ko'y ilang piraso ng luyang dilaw o turmeric isang piraso'y ginayat ko nilaga kong may pagkasabik sa katawan a...
-
SALIN NG AKDA NI HEMINGWAY nakita kong muli sa munti kong aklatan akda ni Hemingway sa buhay-karagatan ang "The Old Man and the Sea&qu...
-
STOP VAWC, NOW! O, itigil na ang karahasan sa mga bata't kababaihan igalang ang mga karapatan patungong hustisyang panlipunan kalahati n...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento