kaylakas ng bagyo'y kumakatha
habang naglalaro yaring diwa
habang tinititigan ang baha
habang paligid ay basang-basa
palutang-lutang ang mga plastik
at naglaglagan ang bungang hitik
mga basurang puno ng putik
ang sa isipan ay tumititik
basang-basa ang buong sampayan
luray-luray ang nasa isipan
kinatha'y di mo basta matingnan
baka mabasa'y sinapupunan
kaytindi ng bagyong nagngangalit
pati diwa ng mamang makulit
kinakatha ang mga pasakit
upang sa papel ay ibunghalit
pagkabagyo'y puno ang alulod
habang lumilikha ng taludtod
sa saknong ay itinataguyod
ang kaisahang di naaanod
- gregbituinjr.
limansugat - palumpong (Pseudoranthemum bicolor) na biluhaba ang dahon, maliliit ang bulaklak, at mabalahibo ang hugis kapsulang prutas: kampupuko, kinatuluan, mandalusa, pulpulto - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 700
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Di nakadalaw ngayong gabi
DI NAKADALAW NGAYONG GABI ngayon lamang ako nag-absent sa pagdalaw kay misis sa ospital, dahil ang kandado sa bahay ay na-lost thread, papu...
-
SA NARINIG KONG TUMULANG KATUTUBO nadama ko ang kaygandang tula dini sa puso'y nakahihiwa upang laban nila'y maunawa sana'y mara...
-
ANG LIBRO thirty five pesos lang ang libro sa BookSale ko nabili ito bakasakali lang matuto sa taong binabanggit dito pamagat ng libro...
-
itong Apitong pala'y isang katutubong puno sa bansa, tulad ng nara, buti'y di pa naglaho kayrami raw noon nito, mura't di manlul...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento