Bagong taon, dating rehimen
ang palakad ay gayon pa rin
nagmahal ang mga bilihin
na epekto ng batas na TRAIN
aktibista'y taas-kamao
obrero'y kaybaba ng sweldo
sistema'y walang pagbabago
at tiwali'y nasa gobyerno
salot na kontraktwalisasyon
ay patuloy pa hanggang ngayon
ang manggagawang mahinahon
ay mag-aaklas pag naglaon
kayraming batang walang muwang
ang naging biktima ng tokhang
kayraming sa dugo lumutang
na pawang buhay ang inutang
tanikala'y dapat lagutin
elitista'y dapat gapusin
wakasan ang pang-aalipin
ng rehimeng dapat tigpasin
- gregbituinjr.
limansugat - palumpong (Pseudoranthemum bicolor) na biluhaba ang dahon, maliliit ang bulaklak, at mabalahibo ang hugis kapsulang prutas: kampupuko, kinatuluan, mandalusa, pulpulto - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 700
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ayuda ay kendi lang sa mga trapo
AYUDA AY KENDI LANG SA MGA TRAPO heto muli tayo, malapit na ang Pasko may ayuda muli galing sa pulitiko regalong kendi't pera'y anon...
-
PAHINGA MUNA, AKING TALAMPAKAN pahinga muna, aking talampakan at narating na natin ang Tacloban nagpaltos man sa lakad na sambuwan ay nagpat...
-
Mga buto ng okra paborito ko na ang okra mula pagkabata kaya madalas sa almusal ko'y di mawawala isasapaw sa sinaing, kaysarap namang sa...
-
imbento nga ba ng Igorot ang larong sudoku? mula sa SUnDOt KUlangot ba'y pinangalan ito? inipit sa kawayan itong matamis na bao ikump...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento